Ang pagsulat ng Erotica at ang Panitikan

Katatapos ko pa lamang basahin ang aklat ng mga sanaysay ni Umberto Eco na pinamagatang How to Travel with a Salmon and Other Essays. Isa sa mga nakakawiling basahin ay ang bahagi kung saan tinuturuan niya ang kanyang mga mambabasa kung paano malalaman kung ang isang pelikula o babasahin ay malaswa, samakatuwid ay pornograpiko. Ayon sa kanya kapag ang isang sandali, halimbawa ay pagbubukas ng kotse, ay mas matagal kaysa sa karaniwang haba ng oras na iginugugol sa pagsasagawa ng mga ito, maari nang ituring na pornograpiko ang isang likha.Sa ganang akin, masasabing malaswa ang anumang bagay kapag hindi ito naaayon sa batas ng moderasyon. Maaari mang marami ang sumalungat sa pananaw ni Eco subalit kung susuriin ang susunod na talata, maaring maliwanagan tayo sa ibig niyang sabihin.

Hilda Koronel in a Lino Brocka film Insiang

BABALA: Ang sumusunod na talata ay naglalaman ng sensitibong tagpo. Gabayan po lamang natin ang mga batang mambabasa.

Kakapasok pa lamang ni Gilda sa banyo upang maligo. Sobrang maalinsangan nang araw na iyon, kaya naisipan niyang maligo nang matagal. Tanging siya at ang kanyang among si Dindo lamang ang naiwan sa bahay dahil ang kanyang among babae ay umalis dahil sa isang di malamang kadahilanan. Gamit ang kanyang manipis na puting tuwalyang, itinago niya ang kanyang kahubdan na kung minsan ay hinahawi ng hanging nagmumula sa electric fan na nakaharap kay Dindo habang nanonood ito ng basketball sa telebisyon. Napapatingin na lamang ang lalaki sa napapanood na eksena. Titig naman si Gilda na parang nanunubok at nginitian ang pinagpapawisang amo.

Pagpasok niya sa banyo, sadyang hindi niya isinara ang pintuan at nag-iwan ng maliit na giwang kung saan tanaw siya ng kanyang amo na kanina pa nanggigigil sa kanya. Makalipas ang ilang sandali, hindi na mapigil ni Dindo ang init na nadarama. Hinubad niya ang kanayang saplot at pinasok ang banyo upang sabayan sa pagligo si Gilda.

Kung susuriin ang kwento na katha ng imahinasyon ng manunulat ng blog na ito, mapapansing tatlong punto ang lumabag sa batas ng moderasyon: una, ang pagpasok ni Gilda sa banyo na kung isasama ang pagtakip niya sa kanyang katawan ng puting tuwalya at ang paglalakad sa harap ng amo habang hinahawi ito ng bentilador ay labis na mahaba kaysa sa mga pangyayari sa simpleng pagpasok sa banyo; ikalawa, ang pag-alis ng kanyang among babae sa isang di malamang kadahilanan ay mag-iiwan ng katanungan sa mambabasa “Nasaan siya?”; at pangatlo, ang alinsangan ng panahon na nagbibigay sa mga mambabasa ng impresyon na ito ang dahilan kung bakit naligo si Gilda at pumasok sa banyo na sobrang tagal at nauwi sa panunukso sa amo. Sa ganitong mga pagkakataon, ang mga pangyayaring hindi mahalaga ay napapahaba na nagdudulot ng sobrang senswalidad na nauuwi sa pagiging malaswa ng isang likha.

Sa pagkakataong ito, maari nang gawing hindi malaswa ang kwento:

Naligo si Inday.

Subalit sa puntong ito, sa pagkawala ng kalaswaan ayon sa depinisyon ni Eco, patay na rin ang kwento.

Advertisements

2 thoughts on “Ang pagsulat ng Erotica at ang Panitikan”

  1. ac,

    ako’y nagpapasalamat sa paggugol ng oras upang basahin ang post na ito. naiisip ko na nakababato sigurong basahin ang maikling analysis na ito kung kaya wala ni isang kaluluwang nagsayang ng panahon na mag-iwan ng maikling komento. o dahil Filipino ang midyum at karamihan sa aking mga mambabasa ay mga dayuhan.

    masasabi kong may punto ang iyong mga puna. tama ka nga at ang tagpo ay hindi isang kumpletong kwento, magkagayon man kung pagiging kumpleto ang batayan ng isang kwento maaaring and konsepto ng salitang kwento ay hungkag at walang katuturan dahil wala ni isang kwento ang kumpleto.

    ang batas ng moderasyon ay hindi self-censorship; maaaring may pagkakapareho sila. pero ang batas na ito ay ang pagtatakda ng isang rasyunal na hangganan sa lahat ng bagay. halimbawa’y gaano katagal ang di-sekswal na titig, gaano kalakas ang di nakabubulaho na dighay o utot. importante ito sa pag-alam kung ano ang pornograpiko o hindi. (mali nga siguro ang paggamit ng pang-uring “malaswa”.)

    halimbawa, kung sa isang usapan, at bumahing ang isang tauhan ng sampung beses, lampas sa normal, pornograpiko na ang usapan. o kung sumobra ang sangsang ng amoy ng iyong ka-date dulot ng napasobrang pagpaligo ng Bench deo-Cologne samakatuwid pornograpiko ang kanyang amoy.

    nawa’y maliwanag kong nailahad ang aking punto. hanggang sa muli.

  2. napaisip ako sa blog na to.may ang mga punto.

    kaso, hindi naman kwento ang nabigay na sample.isa lang siyang eksena sa kwento.magiging malaswa lamang ang eksenang ito kung walang konteksto na magbibigay katwiran sa mismong eksena.

    medyo problematiko rin para sa akin ang batas ng moderasyon. anong batas ito? self-censoreship ba?

    mahalaga sa kwento ang bawat detalye dhil dinadala nito ang mambabasa sa mismong pangyayari. sang-ayon ako na malaki ang kaibhan ng dalawang talatang paglalahad sa isang pangungusap na naligo si gilda. para sa unang punto:mas epektibo ang detalyong pagpasok ng banyo dhil nagbibigay na rin ito ng hint sa papatunguhan ng eksena. sa ikalawang punto:hindi maganda na ibigay agad na wala ang among babae sa di malamang kadahilanan. nag-suggest na agad ito sa reader na kailangan lang mawala ng among babae sa eksena.pilit yun maxado. pangatlong punto: ayos lang ung init ng panahon.hindi mamimislead ang reader na may intensyon tlgang mang-akit ni gilda khit pa reasonable tlga ang pagligo niya.kinailangan un para magkaron ng alibi si gilda para maligo at the same time,akitin ang amo.

    ang pinakamahirap kcng termino dito ay ung malaswa.depende kc sa taong tumitingin o bumabasa. pero para sa akin, kung may laman ang kwento at may dahilan ang erotikang eksena…wlang problema dun.dpat pa nga nating isulong ang mas malayang pag-iisip ukol sa sekswalidad at pagnanasa na likas nmn tlga sa mga tao.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s