gaano kahirap ang pagsulat ng poetry

kung sino’ng nagsabi na sa poetry
you let things take shape
ay isang hangal.

ito’y di gaya ng
clay na iba’t-iba ang kulay
na sa isang dakot nakagagawa ng
fairy o pagong.

hindi ito basta pagpapatulo ng esperma sa
gabatyang tubig.
ito’y pagpapatulo ng esperma sa
nagnananang sugat.

ang pag-iisip ng saktong
rima
ay paghihintay ng
pagsabog ng mga chocolate hills.

kung iisipin
ang pagbibilang ng metro
ay ‘di mahirap
‘yon eh kung magbibilang ka lang.

ang pagsulat ng poetry ay
isang mahaba-habang
paglalakad
bitbit ang krus
kung mahal na araw

talo na.
nakataas na ang dalawang kamay ko
ayaw nang sumulat ng bolpen ko

kaya ako,
mas nanaisin ko pa ang prose.
ayoko ng poetry.

mahal ko ang poety
gusto kong sumulat ng poetry
nabubuhay ako para sa poetry

titiisin ko ang init ng esperma
hindi ako matatawa
sa fairies
o sa pagong

maghihintay ako
sa rima

mag-aaral ako ng calculus
matalos ko lang
ang tamang metro

hinahanap
hanap ko
ang sarap ng sakit

na dulot ng
poetry.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s