A love letter

Sa pinakamamahal ko (sa bilog nga world),

Alam kong matatawa ka habang binabasa mo ang sulat ko. Matagal-tagal na ring hindi ako nakakasulat sa Filipino. Ang sarap ng pakiramdam habang sinusulat ko ito sapagkat alam kong bawat salitang bumubuo sa liham na ito ay ang buod ng aking kaluluwa, walang bahid ng pagpapanggap–tulad ng pagmamahal ko para sa iyo.

Kamusta na?

Salamat sa palaging pagpaparamdam sa akin na mahal mo ako. Nasasabik ako sa iyo. Nagdadalawang isip pa ako kung gagamitin ko ang salitang “nasasabik” dahil lubhang malalim ang kahulugan ng salita, matayog ang nilalaman. Anupaman, hayaan mong sabihin kong nasasabik ako sa pinakamamahal ko: sa iyo.

Dalawang buwan na tayong magkalayo, dalawang buwan na nating hindi nahahawakan ang mga kamay ng isa’t isa. Ang hirap.

Kaninang umaga, habang sakay ako ng aking pulang bisekleta papuntang eskwela naisip kong wala na sigurong sasarap pa sa pakiramdam na sakay tayo ng bisekleta ko papunta sa kung saan man natin gustong pumunta, oo, kahit sa buwan pa. Hindi ako mapapagod sa pagpedal hanggang matakasan nating ang gravitational pull ng mundo at makalipad tayo. Hahayaan kong ikaw ang pipili ng planetang pupuntahan natin. Kahit na gustung-gusto kong pumunta sa Saturn at magpagulong-gulong sa mga rings nito sasama pa rin ako sa iyo papuntang Venus dahil alam kong ito ang paborito mong planeta.

Alam mo, walang McDonald’s dito, pero hindi ako nababahala dahil may KFC. Naaalala ko pa ang unang date natin sa KFC. Wala nang sasarap pa sa French fries, orange chicken at hamburger at ang gravy na paborito mo. Natikman ko na ang specialty of the house ng Hilton, Metropole, at Intercon, pero babalik-balikan ko pa rin ang pamilyar na KFC at ang alaala ng ating unang pagkikita.

Higit isang taon na tayo. Di ako makapaniwala na tatagal tayo at tatawanan na lamang natin ang pinagdaanang pagsubok. Marami akong nagawang pagkakamali at maka-ilang beses mo akong pinatawad. Salamat at hindi natin binibilang ang mga pagkakamaling nagawa ng isa’t isa.

Hindi ko alam kung bakit naisipan kong sumulat sa iyo. Naisip lang kitang bigla.

Siguro, kahit magsawa na ang mundo sa mga sinusulat ko, alam kong sa isang bahagi nito sa isa sa mga isla sa Pacific Ocean ay may isang taong patuloy na magbabasa sa mga sanaysay ko, mga tula, daing, at mga ideyang nabuo sa isipan ko.

Gaya ng anumang bagay, tayo’y nabubuhay na walang kasiguruhan. Nakakatakot dahil maaaring bukas ay hindi na ako makapagsusulat. Subalit alam kong patuloy akong magmamahal.

Mananatiling sa iyo,

John

p.s.

Huwag kang magkakasakit.

23 thoughts on “A love letter”

    1. hahaha, sana writing is just like writing love letters–na sinusulat mo sila kasi mahal na mahal mo ang binibigyan mo.

  1. jasmine,

    in a time when everyone is more than proud to say that he is incapable of loving because the world alienated him, hurt him, pierced him, here i am loving again like crazy. i was never practical, it seems. i am more romantic than pragmatic, and so i allowed myself to fall all again. i do not know if this is a wise idea, but hey, falling is good for the soul, i read.

    haha, it is.

  2. We simply couldn’t contain love, could we? By allowing ourselves to be consumed by it, we purge ourselves of the excesses and we explode, like how a shy person like you could manage to tell the world about this love (online or on print). You are a beautiful medium to this love. How I wish everyone could still realize how he/she could be a solemn vessel of this basic human emotion. And I’m not just talking about romance here.

    Your words touched me. And I should say you deserve more than the world.

    Oh, and the heart’s day is coming soon. Haha.

  3. hey, jane. it’s been a long time since you passed by here, and of all posts, you’ve unfortunately landed on this one.

  4. oh come on mamon. hehe dont be shy youre just expressing your feelings toward someone you love. and thats not a reason to be shy of 🙂

  5. well of course i guess 🙂 being loved is such a wonderful thing. you could not explain the feeling and often times overwhelmed by it. continue loving 🙂

  6. hahaha, i don’t know if that person was the happiest in the world that time. i hope. but it was a long time ago.

  7. as long as you are true to what you have said love surpasses any obstacles that may block its way. i can feel your sentiments upon writing such letter. the person you dedicated this letter is the luckiest person in the world.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s