Subok lang (Just an attempt)

Eksena sa isang lansangan sa Maynila
Eksena sa isang lansangan sa Maynila

Matagal ko nang hindi nasusubukang sumulat gamit ang Filipino. Ang mga manunulat ay may tinatawag na “pandinig”; ang mga bagay na naririnig ay hindi ang pisikal na pagsagap ng mga tunog kundi ang ritmo ng mga salita na ginagamit at kung paano ito nakakabuo ng mga diwang nais ipahayag. Sadyang hindi lang siguro magandang pakinggan ang Filipino lalo na sa tulad kong isang probinsiyano na lumaki sa lugar na pinalibutan ng mga taong nagsasalita ng Cebuano at nagtapos ng kurso sa lugar ng mga Ilonggo kung saan ang gamit na wika ay Hiligaynon.

Isa rin sa mga dahilan ay ang pagnanais kong maging internasyunal ang blog na ito. Kung panay Filipino ang gamit ko, malilimita ang saklaw ng aking mga panulat. Magkagayon man, hindi rin ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit Ingles ang ginagamit ko.

Nakakahiya mang aminin pero hindi ko masasabing sapat ang mga salita sa aking talasalitaan sa Filipino upang magbigay buhay sa mga bagay na nais kong sabihin. Ang patlang na ito ay napunan nang simulan kong gamiting ang Ingles.

Nitong hapon, nakausap ko sa telepono ang isang kaibigan na taga-Manila. Natural, Inggles ang gamit ko sa pakikipag-usap sa halip na Tagalog. Kahit na alam ko na papasa ang pananagalog ko, hindi ako kumportableng gumamit ng wikang ito. Kung baga sa Cebuano “giluod ko” na kung isasalin sa Ingles ay mangangahulugang to feel like vomiting. Siguro’y dala na rin ito ng umiiral na pagtanggi ng mga taga-timog na tanggapin ang Tagalog bilang basehan ng Pambansang Wika. Hindi ko sisimulang ang argumentong ito ng hegemony o tunggalian ng taga-hilaga laban sa timog. Subalit sa Pilipinas, ang paggamit ng wika ay malaking isyu. Ang mga salitang lumalabas sa bibig ng isang tao ay repleksyon ng kanyang katayuan. Alam ng kausap mo ang pinagmulan mo, laman ng pitaka mo, pamantasang pinagtapusan mo sa oras na marinig niya ang pagsasalita mo, ang tono, o kahit na ang paraan ng pagkasunod-sunod ng mga salita mo (syntax ang tawag ng mga linguists dito.)

Sa isang tulad ko na lumaki sa isang multi-kultural na pamayanan, masasabi kong ang wikang ginagamit ko ay amalgamasyon ng iba’s ibang wikang naririnig kong ginagamit ng mga tao sa palibot ko na hindi ko namamalayang sinasalita ko na rin. Noong nasa kolehiyo pa ako, napagkakamalang nanggaling ako sa Maynila ng mga kaibigan kong taal na taga-Iloilo dahil sa tono ko. Subalit palasak na Cebuano ang alam kong indayog ng mga pangungusap ko.

Nagsimula akong mag-eksperimento sa paggamit ng Filipino sa pagsulat noong mga unang taon ko sa kolehiyo subalit ng mga sumunod na taon, naisip kong hindi ko mabibigyan ng hustisya ang mga bagay na nasa loob ng isipan ko kung magsusulat ako sa paraang hindi ko nakasanayan. Tinanggap ko ang pagakatalong ito sa pamamagitan ng muling pagsulat sa Inggles.

Sa pagkakataong ito, sisikapin kong muling gamitin ang wikang ito ay bigyang buhay ang mga ideya ko gamit ang kung ano mang natitira sa aking bukabularyo.

Natutuwa akong isipin na nakakapagsalita ako at nakakaintindi ng anim na wika: Hiligaynon, Cebuano (Sugbuanon), Kiniray-a, Filipino, English, Tieng Viet (Vietnamese). Hindi ako titigil dito. Balak kong sunod na aralin ang Aleman (German) o dili kaya’y Ruso (Russian).

Sa ngayon, sumusubok lang sa Filipino.

Advertisements

3 thoughts on “Subok lang (Just an attempt)”

  1. nice…
    I am from Southern Tagalog. I can say you did really really very well. Better that us from the Southern Tagalog region.

    I wish i could write in English the way you do.

    amalgamasyon = pagsasanib ?
    “nakakabuo”, i think, should be “nakabubuo”. =)

  2. This was not just a good try…
    You always do excellent things when it comes to writing may that be in any dialect or language.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s