Abolishing Christmas

MEMORANDUM No. 465371799199121

SUBJECT: Abolition of Christmas and declaring it a null celebration

ORIGIN: The Holy Office of the Holiest

23rd December 2009

______________________________________________________________________

After a thorough discussion with all the concerned departments within the tiers of the Holy Government of Heaven, I hereby formally dissolve Christmas from the list of sanctioned celebration. This goes without saying that everything that has to do with it will also be erased from mankind’s collective memory.

Any complaints or appeals may be forwarded to the College of Saints, but to set everyone’s expectation, the ruling is final and executory. The appeal may be opened for further assessment; however, this universal law has already been set to place and will be effective on the eve of 25th of December of this year. And whatever question it will raise is moot and academic as the college will again convene two centuries from now.

We already anticipated that some sector, the minority I gathered, will ask for an explanation to this hasty pronouncement. Below are justifications:

1. Christmas is outdated, outmoded, a vestige of the past. The Government of Heaven is projecting an image of modernity, or postmodernity if you want to call it this way. Being stuck in this half-pagan exercise is contradictory to the path this Government is heading.

2. It is nothing but sheer garb. And materialism is something this Government frowns upon. Therefore Christmas must go.

3. Although it is not our responsibility to meddle with mankind’s banal concerns, Christmas is disruptive to the normal flow of trade. It is an anomaly that creates artificial needs, supply, and demand. Like materialism, artificiality is also a hated enemy of the Government. Notice the absence of plastic vegetation in the Holy Office of the Holiest. Except for the stuffed rubber elephant in the south section, everything is real.

4. The color motifs of the celebration, red and green, have the worst possible combination in the color wheel that when mixed result to black. Black, as we are all aware, is the color associated to the enemy, the devil, Lucifer.

5. And finally, Christmas is a sham. Therefore, it inevitably makes sham out of the human species. They forgive their enemies, love one another, and maintain a semblance of uneasy peace because it’s Christmas. Come on! You expect my esteemed office to believe this scam?

Effective 24th of December, no Christmas or any of its derivative may be celebrated. So ordered.

Cc:

College of Saints

Space Police

American Psycho Association

AA

All mankind concerned

Advertisements

Ang mga regalong natanggap ko sa mga nakaraang Pasko

Di gaya no’ng nasa grade two pa ako, hindi na ako masyadong nasasabik tuwing nalalapit nang sumapit ang Pasko. Maliban kasi sa bonus na natatanggap, na madali namang nauubos, naisip kong ito’y sadyang ginawa lang para sa mga bata. Nagsimula yata akong mawalan ng gana sa Pasko nong mga taong hindi na ako nakakauwi sa probinsya para ipagdiwang ito dahil sa dami ng ginagawa ko sa kolehiyo o halimbawa’y masyadong maiksi ang bakasyon na hindi ko rin naman malulubos ang pagsasama naming magkapamilya.

Subalit dahil hindi ito ang panahon upang magkwento tungkol sa mga malulungkot na bagay. Naisip kong isa-isahin ang mga regalong natanggap ko simula nang akoy’ mag-aral. May mga patlang dahil hindi naman ganoon kagaling ang aking memorya, subalit susubukin kong alalahanin nag mga bagay na nakuha ko mula sa pinakasasabikan kong exchange gift.

Grade one. Hindi pa uso noon ang pagbubunutan ilang araw bago ang party, kumbaga, impromptu kaming bubunot ng numero katumbas nga mga bilang sa regalo sa mismong araw ng Christmas party. Siyempre excited ako noon. Pinagluto ako ng aking ate na nasa grade three noon ng adobong sitaw at tsaka chorizo pambaon. Bente pesos lang ang halaga ng aming mga regalo. Isang pakete ng chicharon ang nakuha ko. Hindi ko na tinanong sa kaklase kong nagdala noon kung bente nga talaga ang presyo ng kanyang regalo. Masaya. Pero parang maiiyak ako sa loob-loob ko. Bakit chicharon lang? Pinananghalian ko na lang ang nakuha kong regalong chicharon.

Grade two. De-numero pa rin ang mga regalo. Pinagdarasal ko noon na makuha ang dalang alkansya ng klasmayt kong babae. May alkansya na ako noon sa bahay na gawa sa kawayan, pero iba pa rin talaga ang babasagin. Sabi pa ng kaklase kong iyon, medyo napamahal raw siya ng bili dahil ang aming napagkasunduang halaga ay bente pa rin pero nabili niya ang alkansya ng sisenta. Lahat kami ay nakatutok sa kanyang alkansya. Sa huli, nabunot ko ang isang set ng tooth brush, panyo, at tatlong pirasong Snow Bear na kendi. ‘I love you’ raw ang ibig sabihin ng tatlong kendi.

Grade three. Ako ang nakatanggap ng pinakamalaking kahon ng regalo noon. Nag-aantay ang lahat na mabuksan ko ito. Tumambad sa amin ang isang dilaw na trak-trakan at iba’t ibang kendi, may Stork, White Rabbit (ito iyong nakakain pa ang pambalot na papel at wala pa itong halong melamine), at siyempre ang maanghang at malamig sa lalamunan na Snow Bear. Lubhang nahumaling ang mga kaklase kong lalaki sa aking trak-trakan. Pagsapit ng uwian, nawawala na ang isang gulong nito.

Grade five. Masalimuot ang Christmas party na iyon dahil napagkasunduan naming huwag na lang magdala ng regalo. Masyado kaming nauna sa aming panahon dahil iniisip na namin noon ang mga ‘social ramifications’ ng sobrang pagbibigay halaga sa mga material na bagay. Labing-isang taong gulang kami noon. Sa huli’y natuloy rin kami sa pagkakaroon ng exchange gift. Bola ang ibinigay sa akin ng aking SP (hindi ko alam kung ano ang buong ispeling nito, dinig ko’y ‘special prend’ daw). Dahil hindi naman ako naglalaro ng basketbol, ipinagpalit ko ito sa regalo ng isang kaibigan ko. Hindi ko na maalala kong ano iyon.

Grade six. Nakakatawa dahil noong mga panahong iyon nabalik na naman sa uso ang mga alkansya. Bumili ako nga napakalaking alkansya na hugis at kulay dalandan upang ipang-regalo. Yong tipong sa sobrang laki, aabutin ka ng isang dekada para mapuno. Pagdating sa school, anim kaming may pare-parehong regalong alkansya. At dahil sa pag-akyat ng probability, alkansya rin ang natanggap ko. Hugis kamatis nga lang. Nang basagin ko ito paglipas ng dalawang buwan, nakakuha ako ng dalawang daang piso. Hindi na masama.

First year sa haiskul. Nang mga panahong iyon, nag-uumisa na akong magkagusto sa isa kong kaklaseng babae. Dahil dito’y hindi ko na inisip kong ano ang ipangreregalo kundi kung anong isusuot para mapansin niya ako. Binigyan kami ng aming nanay ng parang operational budget, lahat kasali na rito. T-shirt, pantalon, sapatos, at panregalo. Isanglibo at limangdaan. Pagkabili ko ng unang tatlo, kwarenta pesos na lang ang natira sa pera ko. E tig-sitenta dapat ang halaga ng regalo namin. Ang ginawa ko’y bumili ako ng lalagyang ng pera na saktong kwarenta (nasa sale ito noon kaya mas mahal ang orihinal nitong halaga), idinikit ko na lang ang original price tag nito na nobenta. Nakarma siguro ako, muli, nakatanggap ako ng isang set ng tooth brush, mumurahing toothpaste, at dalawang pirasong Good Morning face towel.

Second year sa haiskul. Ah, nakatanggap ako ng parang mga flush cards ng mga poems ni Maya Angelou. Awang-awa ang mga klasmayts ko sa nakuha kong regalo dahil parang hindi ganoon ka-may silbi ang mga kwadradong karton. Subalit hindi nila alam na dito ako sa mga maiikling verses kumukuha ng inspirasyon upang isulat ang mga liham para sa kaklase kong naging nobya ko sa huling taon ng haiskul.

Third year sa haiskul. Napansin kong ang mga regalo sa nga exchange gift at na-iimpluwensyahan din ng kung ano ang uso. Halong katlong bahagi ng aming klase noon ay kandila ang regalo. Hindi ko maisip kong paano magagamit ng isang kinse anyos na binatilyo o dalaga ang mga aromatikong kandila. At sa probinsya namin, hindi naman ganoon ka-stressed ang mga tao para magpausok sa tabi gamit ang kandilang amoy lavender, chamomile, jasmine o durian. At gaya ng inaasahan, kandila nga ang natanggap ko kasama ang kandelabrang gawa sa salamin. Hindi natapos ang hapon, basag na ang kandelabra at ang naiwan ay mga maliliit na kandila na hanggang sa ngayon, pagkalipas ng walong taon, ay hindi pa rin nasisindihan.

Fourth year sa haiskul. Hindi na ako sumali sa Christmas party namin. Nagsawa na rin ako siguro sa mga paulit-ulit at nakababagot na programa sa skul.

First year sa kolehiyo. Nasa Davao City ako para sa isang conference ng mga tibak sa UP, nagkokober ng balita. Sa kasamaang palad, nagtae ako, nadehydrate, isinugod sa ospital at nakaubos ng sampung dextrose bags. Ang regalo sa akin ng aking nanay na sumugod doon galing pang Polomolok ay mga adult diapers.

Second year sa kolehiyo. Binigyan ako ng aking kapatid na babae ng photo album. Lagyan ko raw ng mga pictures ng mga pinupuntahan kong mga lugar. Hanggang ngayon, ay hindi ko pa rin ito nalagyan ni isa mang larawan ng mga napuntahan ko.

Third year sa kolehiyo. Nakatanggap ako ng isang koleksyon ng mga maiikling insights ni Kahlil Gibran galing sa isa kong matalik na kaibigan. Sabi niya’y:

‘For the guy who thinks with depth, here’s something even deeper. Merry Christmas, Fev.’

Binigyan ba naman ako ng pagkaka-abalahan sa Pasko. Pero seryoso, marami akong natutunan sa librong iyon. Kalahati ata ng pilosopiya ko sa buhay na hinahanapan ko nga tumpak na pagsasadiwa ay nabasa ko sa mga pahina ng maliit na librong iyon.

Fourth year sa kolehiyo. Huling taon ko sa pamantasan. Binigyan ako ng kaibigan ko ng librong nagbigay sa akin ng perspiktiba sa akung ano ako ngayon. Dahil sa librong iyon, natanggap kong malaki na ang pinagkaiba ko simula nang una akong sumali ng Christmas party no’ng grade one ako at tumanggap ng chicharon bilang regalo.

Hanoi, Vietnam. Taglamig noon. Naglalaba ako ng aking mga damit sa banyo ng aking kwarto. Nagpaalam na ang kaibigan kong aakyat na siya sa kanyang kwarto at matutulog. Nang isasara ko na ang pinto, nakita kong may naiwan siya: makapal na medyas at gwantes na panlamig kasama ang sulat.

Dear John,

I was so surprised to find u in Vietnam as I didn’t find u in Philippines, where u should have been. However, Vietnam must be a lovely place, and I hope u enjoy ur stay here.

Be a good boy as ever, I give you this gift, hope it will give u a warm Christmas.

Merry Christmas!!!

Santa Claus.

Litany of a drunken guy

I’m drunk this time while writing this.

For one, I want to test whether I still can have clear thoughts to be able to write decently; not that I normally have clear thoughts when I write. And two, the verisimilitude of this activity to realism, portraying the rawness of thoughts when the mind does not edit itself is tempting.

Nothing compares to the feeling of being drunk every once in a while. The artificial sense of freedom and slackening of one’s inhibition are enough reasons to make drinking and going wasted afterward so popular among people in their twenties. I seldom party and dance the night out. And during these rare cases when I do I can go totally wild. At least wild as I define it. And during these rare opportunities do I become and act like my age.

And since I am lucky enough not to work on days like these, I have all the spare time to go out and drown myself in the not-so-dark abyss of abandonment. I consume a substantial amount of alcohol enough to cloud my better judgment.

I become a rabid animal on a prowl ready to hunt for the next prey. I move as if all the muscles in my body are on an attack mode, ready to contract and hurl my 6-foot self to whoever is foolish enough to challenge the supremacy of my rule.

And so I drink even more, fearful that the time spent resting and not gulping alcohol will return me to my senses, and transform me back to my docile, contemplative, and quiet self. I want this feeling to last until I reach a point when all I can do is to gnarl because of pleasure, puke my gut out until I pass out, lie on the floor, and let the person beside me worry about what to do with the pathetic fellow choking in his entrails and snoring as if he’s the happiest man in the world.

But I can’t. I suffer from hyperacidity.