Kailan ito hihinto?

May mga paglalakbay tayo na lubhang nakababagot, may mga maiikling paglalakad sa parke o tabing dagat na kawili-wili. At di rin mabilang ang mga paglalakbay na dahil sa kung makailang beses na nating gawin at tahakin ay parang hindi na natin pansin ang anumang emosyong kaakibat nito na gawa marahil ng kompulsyon, madalas ay hindi na natin hindi naiisip ang mga tanawin, mga taong katabi at kasama sa paglalakbay, o ang dampi ng hangin habang tayo’y nakaupo, nakatayo, o nakasabit sa dyip o bus.

Noong mga unang taon ko sa kolehiyo, aliw na aliw ako sa tuwing sumasakay ako ng dyip papuntang Miagao, minsan nilalabas ko pa ang aking ulo at kamay upang damhin ang malamig na samyo ng hangin. Hindi ko inalintana ang sobrang bilis na pagmamaneho ng tsuper na sa isang maling pihit lamang ay maaring wakas na ng aking masayang paglalakbay. Kahit kadalasan ay siksikan sa loob kasama ang ibang mga pasahero, gulay, mga pinamiling gamit sa bahay, at mga tandang sa loob ng kulungan nitong alambre, hindi ako nawalan ng ganang umuwi ng lungsod pagsapit ng Biyernes dahil nasasabik akong muling sumakay ng dyip.Binigyan ako ng bawat paglalakbay sa loob ng dyip ng isang di maipaliwanag na ‘high’ na hindi kayang ibigay ng pagsusulat, pagbabasa, o seks.

Paglipas ng halos limang taong pagtahak sa parehong daan, pagdaan ng tingin sa mga hindi-nagbabagong tanawin at pare-parehong pagal na mukha ng mga taong nakatira sa tabing-daan naglalakad patungo sa kung saan, at pagsakay sa pare-parehong dyip, nitong hapon, habang inihahanda ko ang aking mga gamit, libro, at damit na susuutin para sa linggong ito, at muling pagsakay ng dyip patungong Miagao, nakaramdam ako ng pagkapagod. Hindi ito pisikal na pakapagod. Ito’y pagkapagod na bunga ng pagkabagot. Na sa kabila ng pagpupumilit kong maging masaya sa loob ng dyip, may mga bagay talaga na isusuka na ng aking kaluluwa.

Nais kong iliko, ihinto, o ibunggo ang dyip na sinasakyan ko. Sa ngayon ay inaalam ko pa kung paano.

Advertisements

7 thoughts on “Kailan ito hihinto?”

  1. hahaha. i can’t wait to be on a jeep traveling to miagao (this time with somebody dearest to me).

    uy yeah, see you here soon. i hope you’ll enjoy your visit.

    hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s