Kalungkutan

Maglilipat-bahay na kami ng kapatid ko bukas. Ito na ang huling gabi ko na makikita ang ganitong tanawin mula sa aking bintana at maririnig ang mga walang kapagurang bus at sasakyan sa EDSA. Lilipat kami sa mas malapad na unit sa kabilang tower ng kasalukuyan kong condo, ‘yon nga lang ay inner unit siya. Okay na rin ‘to kesa manatili kami sa sobrang liit kong silid dati na kasyang-kasya sana kung ako lang mag-isa.

Di ko alam kung anong meron sa paglilipat-bahay ngunit sa tuwing gagawin ko ito ay parati na lamang akong nalulungkot. Di naman ako sadyang malungkuting tao, neutral lang kumbaga. Nitong mga nakaraang araw, kakatwa man, pero pakiramdam ko ay namanhid ako sa lahat ng uri ng sensasyon–walang lungkot, walang saya, walang pait, walang pagkabagot. ‘Yong swak lang. Pero alam kong hindi ako sakto o swak dahil wala ng mas sasawi pa sa taong hindi na nakararamdam.

Ngayong gabi, masaya ako dahil muli kong natuklasan na nakararamdam pa rin pala ako ng lungkot, ‘yong lungkot na nanunuot hanggang kaibuturan ng kaluluwa ko. ‘Yong lungkot na wala namang pinaghuhugutan, ‘yong lungkot na bigla na lamang magpaparamdaman sa ‘yo habang nakapangalumbaba ka, nakaupo sa harap ng bintana, at nakikinig sa Summer ni Antonio Vivaldi.

Ngayon lang siguro ako dinalaw ng lungkot dahil ngayon lang ako nagkapanahon. Ngayon lang ako nagka-oras na manahimik, maupo ng sandali, at makapag-isip tungkol sa mga bagay na nawala sa akin, kinakatakutan, o pinanabikan. Maraming bagay at tao sa buhay ko ang matagal nang umalis, lumisan, at kailanma’y di na babalik. Sila’y nagdudulot din ng kalungkutan sa akin. Subalit dahil alam kong wala na akong magagawa, sandali lang kung ako’y malungkot ‘pag naaalala ko sila.

Natural lamang ang ganitong emosyon.

Ang pinakamakirot na uri ng kalungkutan ay ‘yong batid mo sa kaibuturan ng iyong puso na malungkot ka ngunit di mo alam kung saan ito nagmumula. At ngayong gabi, habang ako’y nakadungaw sa labas at naririnig ng bahagya ang musika ni Vivaldi, nalaman ko, at naramdaman ko, nalulungkot pa rin pala ako… .

Itutulog ko na lang siguro muna ito.

(3:08 ng madaling araw.)

Advertisements

5 thoughts on “Kalungkutan”

  1. Naalala ko dati, may panahon na nawiwirduhan na ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko, wala akong nararamdamang kahit ano. Hindi ako malungkot pero hindi rin ako masaya. Tapos, nung mga nakaraang buwan, kung kelan naman may rason ako para malungkot o kaya maging masaya saka ko naman gustong bumalik sa pagiging manhid.

    Oo nga pala, ginulat mo ako. Matatas ka pala sa Tagalog. 😀

    1. oy mangie, wag mo nga akong lokohin. pinagtatawanan ng kaibigan kong bulakenyo ang pananagalog ko. at alam kong mas pinagtatawanan mo ako ngayon kasi mas mahirap arukin ang pananagalog ng mga batangueno.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s