Ito’y para lang sa iyo

Ito’y para lang sa iyo:

Babe,

Ang post na ito ay aking isinulat para lang sa iyo. Ang oras ngayon dito ay 4:49 ng umaga. Sa mga oras na ito, alam kong natutulog ka pa, kung andiyan sana ako sa atin ay katabi kita ngayon sa pagtulog, tapos tatayo ako ng alas singko upang umihi, bubuksan ang bintana at pinto at paaandarin ang electric fan. Matutulog ng kaunti at pagsapit ng 7:00 ay isa-isa ko nang papatayin ang mga alarm na iyon na-set. Sa isa mong alarm andun ang ‘i love you, babe!!!’ Mangingiti ako at babalik sa kama, sa pagkakataong ito, yayakapin kita para hindi mo sabihin paggising mo na hindi kita niyakap habang tayo ay natutulog. Aamuy-amoyin kita, pakikinggan ang mahina mong hilik at tititigan ka lang.

Pero ngayo’y magkaiba ang mga oras natin. Ako eto, minamadali ang essay na ipapasa ko bukas at tinatapos ang pag-i-edit ng isang libro, habang paulit-ulit na pinakikinggan ang kantang “Follow Through” ni Gavin Degraw. Prosaic man, subalit ang hirap pigilin ang sarili kong magsulat habang umiihip ang malamig na hangin mula sa labas. Kung sana’y nandito ka, maglalakad-lakad tayo sa kakahuyan, hihigop ng mainit na kape sa downtown, o mag-uusap lang tungkol sa kung anu-anong bagay sa itaas ng burol.

Hindi ko na maantay na muli kang makita.

Naaalala mo ito?

Labin-limang buwan na.

At sa mga susunod pang mga buwan at taon.

Di na ako makapaghintay na makasama kang muli sa pagtulog.

Advertisements