Para sa’yo na nag-enroll sa akin

Babe,

Ang hirap magpasalamat sa iyo gamit ang Skype na sobrang unpredictable ang connection. Magkikita din naman tayo six days from now. Magsusulat na lang muna ako.

Magsisimula ako by saying ‘Thank you’ dahil nag-leave ka pa para lang pumunta ng UP at i-enroll ako. Salamat at sorry, dahil kahit hindi ko sinasagot ang tawag mo, ala-tres ng hapon diyan, alas-tres ng madaling araw rito, naipasok mo pa rin ako sa mga courses na pinri-enlist ko.

Kahit na sabi ng isang Chinese-looking prof sa iyo e hindi ako pwedeng hindi kumuha ng isang core course in a semester, nagawan mo pa rin ng paraang kausapin ang isang old-looking prof para mapirmahan lang ang Form 5a ko. Alam kong napaka-charming mo, pero hindi ko alam na ganun katindi ang charm mo.

Source: http://soloflighted.com

Salamat sa pagbyahe mo galing Makati papuntang Diliman, Babe, sa kabila ng init at siksikang MRT at nakakatakot na jeepney-ride from Quezon Ave papuntang Campus, di baleng magkawala-wala ka. Di baleng maluma kaagad ang bago mong sapatos. Nakaka-touch isiping nakayanan mong gawin yon, ayaw  na ayaw mo pa namang naglalakad ng mahaba at madali kang napapagod.

Salamat sa paghahanap ng Vinson para i-register ang iskolaship ko (at makakatipid ako ng kaunti ngayong sem), sa paghahanap ng OUR na nasa kabilang ibayo pa. Kahit na sumakay ka ng TOKI instead of IKOT, at pagsakay mo ng IKOT instead of TOKI. Ngumingiti ako kapag naiisip ito. Ngayo’y alam mo na kung bakit ako mukhang haggard kapag umuuwi ako galing UP. Naaalala mo pa ba nung sumama ka sa akin before? Dahil kasama kita, biglang ang ganda ng UP at biglang ang dali ng class? Ganun ata katindi ang ng epekto mo sa lahat, sa akin, Babe.

Salamat dahil kahit pagod na pagod ka na sa pag-i-enroll mo sa akin ay nag-sorry ka pa dahil muntikan nang hindi mo ako ma-enroll sa mga gusto kong subjects. Ayokong pumasok ng Sabado, gusto ko magkasama tayo ng buong Sabado. At ito’y mangyayari. Yehey!

Salamat dahil sabi nila iba raw ang pakiramdam ng mayroong kaibigang nag-eenroll sa iyo, ngayo’y naranasan ko na rin ito. Sa wakas. At di lang basta kaibigan.

Babe, miss na miss na kita. Tuloy, di na ako makapag-antay na umuwi.

 

 

Advertisements

3 thoughts on “Para sa’yo na nag-enroll sa akin”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s